Monday, July 21, 2008

Awitin mo at isasayaw ko



Huwebes may tumawag sa akin upang ipaalala ang mga requirements na kakailangannin ko at kailangan daw mag down payment ako para sa kinuha ko.Kahit may trabaho ako kailangan isingit ko ang lakad nato kaya naisipan ko nanaman mag halfday sa aking trabaho,umuwi ako sa tinutuluyan ko upang makaligo at magpalit ng damit (todo porma lol)handa na ako para makipag sapalaran sa sakit ng maynila ang traffic dahil medyo umuulan pa.

Putik sa divisoria nag abang ako ng jeep via sta.mesa at madali ako nakasakay ,ng matapat ang sasakyan n medyo may kalayuan sa tutuban mall heto at may dalawang anak ng dyos na umakyat dalawang bata na pulubi ang isa ay babae at may hawak na tambol na gawa sa malaking tubo yata ng tubig ,na may tatlong piraso upang mag iba-iba ang tugtog at ang isa naman ay batang lalaki na na nakahubad na pang ibaba na nasasaplutan lamang ng tshirt na maliit na kulay dilaw.Makikita mo sa itsura nila o props ba! na isa sila sa mga pulubi dahil sa maruming suot at gusgusin ang itsura at medyo meron pang mga sugat ,at heto nag simula na umarangkada ang sinasakyan kong jeep at nag simula na rin sila mag perform upang pasayahin ang mga taong nakasakay.

Sinimulan na ng batang babae ang tumambol at umawit ng sya lang ang nakakaalam (alien yata tong mga batang ito) dahil hindi ko maintindihan ang kanta nya, dahil ibang lingguwahe ang kanyang gamit o maamari isa sa mga (ritwal na kanta sa kanilang tribo yun pag may nililibing )at habang panay ang tambol at kanta ng batang babae ,heto at sumasayaw naman ang batang lalaki na bigay na bigay hindi ko alam kung (rnb o hiphop )ang kinakanta ng kanyang kasama dahil panay ang giling nya naramdaman na siguro ng bata na lahat kami ay nakatingin sa kanya at pinapanood sya ,nag simula na sya tumapat sa mga pasaherong nasa loob ng jeep .
Iba-iba ang mga nakasakay mahahalata mo naman sa pustura nila at ayos at sa gamit na dala, meron masasabi mo na may kaya ,meron matanda, meron bata ,meron kabataan (lol ako yun) , at meron din mga tomboy na panay ang halikan sa loob(ampp nakakainis kasi katabi ko sila wala ginawa kundi ang magtukaan) heto at pinapanood ko ang bata at ang bawat taong matapatan nya napansin ko meron patay malisya na di pinapansin ang bata meron naka ngiwi na kulangna lang para ma kumpleto ang kanyang ngiwi ay banggitin nya ang salitang (eowwwwwww yuckkkkkk )at meron naman na kunwari wala sila paki sa mundo wala nakikitang tao sa loob kundi silang dalawa lang at magtukaan lol (pda ba naman kasi pareho pa babae ).
Napadako ang bata sa isang babae na may bitbit na bata sa itsura palang nya alam ko hindi sya ganon kaluwag sa buhay dahil medyo sira pa ang damit ng ale at naka short di pa nga pareho ang tsinelas na gamit nya pero inabot nya ang dalawang piso sa bata na sinukli sa kanya ng mamang driver (bigla ako napaisip bakit ganon kung sino pa ang alam mo na wala sya pa ang nagbigay)at heto papalapit na sya sa akin inuna nya muna ang dalawang matanda na babae at lalaki baka maawa sa kanya at makita sa pagkatao nya ang kanilang apo pero heto at deadma sila lolo at lola at nagawa pa nila idikit ang kanilang dalri sa ilong upang ipaalam na mabaho ang batang paslit, its my turn na !ng papalapit na sa akin ang batang lalaki bigla na lamang umarangkada ang jeep na mabilis hindi ko alam kung sinadya ng driver upang ihulog ang bata, agad ko sya hinawakan sa braso wala ako pakialam kung may sugat ang batang ito at bigla sya tumingin sa akin upang hintayin ang barya na ibibigay ko hinawakan ko ang kamay nya at nilagay ko sa sabitan ng kamay ng jeep upang di sya malalaglag o upang di sya mailaglag ng driver ?heto at bumunot ako ng barya lahat ng barya na nasa bulsa ko ay kinuha ko lahat magkabilang bulsa, nakaipon ako ng higit sa benta o lagpas pa sa 30 basta ang nasa isip ko lang lahat ng baya ko ibibigay ko sa bata.
Ng iniabot sa akin ng bata ang musmos nyang kamay at nilagay ko sa palad nya ang barya ko meron ako nakitang kinang sa mata nya! na nabigla sya dahil meron malalaking barya na nasa palad nya 5 peso 10 peso at ilang mimiso at agad nya tinawag ang kasama nya pinakita ang binigay ko, hawak ko muli ang bata sa kamay upang alalayan na huwag sana sya maihulog ng driver, ng huminto na ang jeep bababa na ang mga bata bigla nag salita sa akin ang batang musmos na kuya maraming salamat po!!!!!Hindi ko ma ipaliwanag nung oras na yun kung ano ang naramdaman ko parang biglang merong isang saya na may kinang sa puso ko na naramdaman maaring awa iyon o dahil kahit papano nagawa ng bata na pasalamatan ako .
Ng makababa na ang mga bata naisip ko ano kaya ang magiging buhay nila paglaki !ang batang babae kaya ay magiging isang member ng banda ?at ang batang lalaki naman ay magiging isang sikat na dancer sa japan balang araw? o maging isang taong grasa na gumigiling at tumatambol sa gitna ng kalsada balang araw.
Ngayon meron akong tanong ano ka kaya kung nandun ka sa oras ng pangyayaring yun at isa ka sa mga pasahero na nabanggit ko, isa ka ba sa dedma? isa ka sa pda? isa ka sa walang nakikita? o isa ka sa mga taong ilalagay ang daliri sa ilong? o isa ka sa driver ng jeep na nais ihulog ang bata? ano kakaya dun? kung nandun ka sa mga oras na yun at sa palagay mo anong bukas merong naghihintay sa dalawang batang tambolista at dancer?